Ang mga online na mangangalakal ng binary options ngayon ay may arsenal na mga gamit at indicatos na pinapadaling hulaan ang paggalaw ng presyo at kumita mula dito. Maraming platform sa pangangalakal ang nagbibigay ng mga tool at indicators na ito ng libre.

Kapag ginamit ng tama, ang teknikal indicators at mga gamit ay ginagawang mas madaling makita ang mapagkakakitaang kalakaran. Sa tamang oras, magagawa mong pumasok at lumabas sa mapagkakakitaang pangangalakal ng mas madalas.

Maraming iba’t ibang teknikal na indicators na pagpipilian. Isa sa kilala at madaling gamitin ay ang Bollinger band.

Ano ang Bollinger band indicator?

Ito ay isang indicator ng kalakaran. Kasama dito ang Bollinger na tsart na nahahati sa 3 linya. Ang mga linyang ito ay sumasakop sa nasa 95% ng paggalaw ng presyo ng asset. Kaya madalang kang makakahanap ng presyo na gumagalaw sa itaas ng itaas na linya o sa ilalim ng ilalim na linya sa tsart.

Gayunpaman, kung mayroon, madali kang makapamumuhunan sa paggalaw ng presyo at kumita ng malaking pera. Ang lapad sa pagitan ng itaas at ibabang linya ay ang representasyon ng paglihis ng presyo mula sa pundasyon ng pamantayan. Ito ay, ang pundasyon ng presyo ng isang asset kapag kinalkula sa isang tiyak na tagal ng panahon.

expert option

Ang pang-itaas na linya ay tinatawag na resistance habang ang ilalim na linya ay tinatawag na support. Bagaman ang mga linyang ito ay tuloy-tuloy na nakikitang gumagalaw sa tsart, ipinapahiwatig talaga nito ang tiyak na preso ng isang asset sa tiyak na panahon.

Halimbawa, sabihin nating ang iyong asset ay may support na presyo na 72.49 at may resistance na 74.53. Pagkatapos, bigla namang magkakaroon ng uptrend na tumataas ang presyo hanggang 80.04 bago bumaba ng 76.33. Kadalasan, ang 80.04 ay magiging iyong bagong habang ang 76.33 ang magiging iyong support na antas.

expert option
Pagseset up ng Bollinger band sa iyong exportoption tradingaccount

Upang i-set up ang iyong Bollinger chart, mahalaga na nakikilala mo ang lahat ng tatlong linya. Upang gawin ito, pindutin ang indicators’ icon sa taas ng iyong account sa pangangalakal.

Piliin ang Bollinger bands sa ilalim ng new indicator’ tab.

I-customize ang itsura ng mga linya ng Bollinger chart sa pagbago ng kanilang kulay at lapad bago pindutin ang apply’.

expert option scam

Paano basahin ang Bollinger bands

Isa sa pangunahing tampok kung bakit magandang gamit sa pag-aanalisa ang Bollinger band indicators ay dahil sa kaniyang auto correction na mekanismo na sumisipa kapag naganap ang pagbabagu-bago sa merkado. Sa pagtingin lamang sa lapad ng band (sa pagitan ngexpert option demo resistance at support) masasabi na sa iyo ang nangingibabaw na kondisyon ng merkado.

Halimbawa, kung ang band ay nanatiling masikip sa pinahabang panahon, ang presyo ay maaaring mahina at ang merkado ay hindi lumikha ng mapakikinabangang kalakaran.

 

Kung ang lapad ng Bollinger band ay bigla na lamang naging malapad, isa itong pahiwatig ng paglikha ng bagong kalakaran. Ang merkado ay hindi matatag at dapat kang magsimulang maghanda sa pagpasok sa posisyon.

Kung kaya, kailan magba-buy o sell kapag gumagamit ng Bollinger band indicators bilang iyong gabay?

Tulad ng nakikita mo mula sa tsart, isang bagong kalakaran ang nabuo nang ang presyo ng asset ay umakyat sa itaas ng linya ng resistance. Ito ay bollinger bandmananatili dito sa maiksing panahon (kapag ang merkado ay pabagu-pabago) at unti-unting bumagsak ang presyo sa ilalim ng support na antas pansamantala bago unti-unting bumalik pataas.

Kapag nangyari ang alinman sa senaryong ito, dapat kang pumasok sa isang buy o sell na posisyon.

Gayunpaman, sa labis na pabagu-bagong merkado, maaaring makita mo na ang paggalaw ng presyo ay hindi gaanong mahuhulaan. Ang isang uptrend ay maaaring manatili sa direksyong iyon sa pinahabang panahon bago tuluyang tumatag ang mga presyo.

Pagkatapos, matapos ang ilang panahon, ang presyo ay maaaring bumagsak ng biglaan. Sa ganitong kaso, makikita mo na ang bagong antas ng support at resistance ay nilikha sa punto ng presyo na malayo sa itaas o ibaba ng inisyal na antas ng resistance at support.

Ngunit paano mo eksaktong malalaman kung kailan papasok sa posisyon?

Ang isang astig na tampok tungkol sa Bollinger bands ay ang pagsama ng candlesticks na sumusubaybay sa pinakamataas at pinakamababang punto ng presyo sa anumang panahon. Sa isang uptrend o downtrend, mapapasin mo na ang isa o dalawang candlesticks ay bigla na lamangsupport and resistance levels mas mahaba.

Ito ay sinusundan ng ilang maiiksing candlestick. Pagkatapos, mayroong pagbaliktad kung saan ang mahahabang candlesticks ay lalabas habang ang presyo ay gumagalaw patungo sa inisyal na posisyon.

Ngayon, madalas akong pumapasok sa posisyon agad kapag napansin ko ang nabubuong kalakaran. Sa kasong ito, ako ay magba-buy kapag mayroong uptrend at sell kapag mayroong downtrend.

Ngunit upang kumita, palagi ko inilalagay ang aking strike price sa bandang itaas ng resistance (sa uptrend) at ilalim ng support (sa downtrend). Sa ganitong paraan, alam ko na makakalabas ako sa aking pangangalakal bago tumatag ang merkado.

Ang Bollinger bands ay isang malakas na indicator. Ngunit ang pag-intindi kung paano ito gumagana ay maaaring abutin ng ilang panahon. Sana, sa gabay na ito ay nasabik kang subukan ang indicator na ito.

READ  Gabay sa teknikal na indicator na moving average

expert option