Ang ExpertOption ay nag-aalok ng 2 uri ng account, isang demo account at isang totoong account. Sa demo account, hindi mo kailangang dumaan sa anumang pagrerehistro o proseso ng pagpapatunay. Upang magsimula, pindutin dito at agad kang makapagsisimula na mangalakal.

expert option

Pagbubukas ng isang totoong account sa pangangalakal sa ExpertOption

Bagaman gamit ang demo account masusubukan mo ang platform ng ExpertOption, hindi mo maaaring i-withdraw ang iyong kita sapagkat ikaw ay nangangalakal gamit ang virtual na pera. Kapag ikaw ay nagbukas ng account iyong magkakaroon ka ng tunay na kita at mawi-withdraw ito.

Upang magbukas ng isang totoong account, sundin ang mga hakbang na ito:

  • Pindutin ang berdeng Open real account’ button sa taas na kanan ng iyong interface sa pangangalakal.
  • Sa pop-up window na lalabas, ilagay ang iyong mga detalye sa pagrerehistro. Maaaring ito ay iyong email, Facebook, o Google account. Kasunod, maglagay ng malakas na password.
  • Pindutin ang accept terms and conditions’ checkbox at kumpletuhin sa pagpindot ng Open Account’ button.

expert option demo

Kapag nagawa mo na ito, ang iyong totoong account ay bubukas. Gayunpaman, kailangan mo itong i-activate sa pagpunta sa email address na iyong ibinigay at pagpindot sa link ng kumpirmasyon na ipinadala sa iyo ng ExpertOption.

Ang iyong account ay aktibo na ngayon. Ngunit mayroong dalawa pang hakbang na kakailanganin mong sundin bago ka makapangalakal gamit ang totoong pera o mag-withdraw ng kita. Ang mga hakbang na ito ay sa pagpapatunay sa iyong pagkakakilanlan bilang mangangalakal sa ExpertOption at, ang iyong unang pagdeposito sa ExpertOption.

READ  Kaalaman sa ExpertOption
Paggamit ang teknikal na indicator na moving average sa pangangalakal sa platform ng ExpertOption

Ang ExpertOption ay nagbibigay ng ilang gamit at indicator upang mapadali ang pangangalakal at kumita sa platform. Isa sa paborito ko ay ang moving average. Ang teknikal na gamit sa pag-aanalisa na ito ay isang berdeng linya na gumagalaw sa parehong direksyon tulad ng paggalaw ng presyo. Ipinapakita nito ang average na presyo ng asset na ikinakalakal sa loob ng isang panahon.

Ang moving average ay madaling gamitin sa maraming paraan. Una, nagbibigay ito sa akin ng isang ideya tungkol sa mataas at mababang limitasyon ng presyo para sa isang partikular na asset na ikinakalakal ko. Gamit ang kaalamang ito mahuhulaan ko ang magandang strike rate bago ang pagpasok ng pangangalakal.

Pangalawa, ang moving average ay nagbibigay sa akin ng magandang ideya sa kung paano gumagalaw ang presyo ng kalakal sa isang tiyak na tagal ng oras. Ginagawa nitong mas madaling mahulaan kung anong oras ang pinakamainam upang makapasok sa kumikitang pangangalakal.

Ganito ito gamitin:

Sa interface ng kalakalan, magsimula sa pagpindot ng icon ng indicators sa taas ng iyong screen. Nasa tabi mismo ng uri ng assetexpert option review na iyong ikinakalakal.

Sa pop-up screen pindutin ang moving average’ sa ilalim ng new indicators.

Maaari mong i-customize ang iyong moving average indicator sa pagpili ng average na panahon na sakop nito, kulay, uri at lapad. Ngunit sa halimbawang ito, hindi ako gagawa ng anumang customizations.

Pindutin ang apply’ at ang linya ng moving average ay lalabas sa iyong screen.

Ngayon, karaniwan kong pinag-aaralan ang paggalaw ng presyo sa loob ng ilang minuto. Upang malaman kung makikilala ko ang kalakaran.

Kung napansin ko na ang linya ng moving average ay bumaba sa ilalim ng indicator ng paggalaw sa isang partikular na punto ng presyo, gagamitin ko ito bilang strike price (o ang mas mababa dito). Pagkatapos ay pipindutin ko ang up button.

READ  Istratehiya

Bakit? Kung titingnan ko ang mga nakaraang kalakaraan kung saan ang linya ng moving average ay lumalampas sa ilalim ng presyo ng indicator at ang presyo ay nanatili sa itaas ng presyong iyon nang ilang panahon, malamang na mauulit ang sitwasyong ito. Nangangahulugan ito na inaasahan ko na ang presyo ay mananatiling mas mataas kaysa sa strike price sa oras na matapos ang aking pangangalakal.

Sa kabilang banda, kung ang linya ng moving average ay lumampas sa itaas ng indicator ng paggalaw ng presyo at nanatili ito sa taas nito nang ilang panahon, pipindutin ko ang down button.

Ang ExpertOption ay nagbibigay ng higit pang impormasyon tungkol sa paggamit ng moving averages at iba pang gamit sa kanilang seksyon sa pang-edukasyon.

Gabay upang patunayan ang iyong account sa pangangalakal sa ExpertOption sa unang pagkakataon

Sa nakaraang gabay, tinalakay natin kung paano magbukas ng iyong totoong account sa pangangalakal sa ExpertOption. Binanggit ko na isa sa mga bagay na kailangan mo upang mangalakal at mag-withdraw ng kita ay patunayan ang iyong pagkakakilanlan.

Sa hinihiling na ito kinukumpirma ng ExpertOption na ito ay isang totoong tao na totoong nais mangalakal sa platform kumpara sa mga money launderer na ginagamit ang kanilang account upang ilipat ang kanilang pera sa web.

Tumutulong din ang pagpapatunay ng account upang protektahan ang iyong pondo. Kung ang isang hindi awtorisadong tao ay sinubukang mag-withdraw ng pera mula sa iyong account, hindi ito magiging posible maliban kung nagbigay sila ng kailang detalye sa pagpapatunay.

Sa pagpapatunay ng account sangkol ang mga sumusunod na hakbang:

Sa iyong interface sa pangangalakal, pindutin ang finances at pagkatapos ay ang withdrawal.

Pagkatapos ay pindutin ang confirm information button.

Hihilingin ngayon ng ExpertOption na ikaw ay mag-upload ng:

Larawan ng iyong ID (parehong harap at likod)

READ  IQ Option FX Options – Lahat ng Kailangan mong Malaman

Larawan ng iyong Visa card kung ginamit ito sa iyong mga transaksyon

Dahil kailangan ang larawan, siguraduhin na ito ay malinaw at bawat detalye ay nakikita. Siguraduhin na lahat ng pangalan at karakter ay madaling mabasa.

Kasunod, punan ang iyong email, address at iba pang karagdagang impormasyon na hihilingin

Sa huli, pindutin ang save changes’ at pagkatapos ay submit

Ang pagpapatunay ng account sa ExpertOption ay aabutin ng 1 hanggang 3 araw. Kapag napatunayan na ang iyong account, magpapadala ng email sa iyo ng kumpirmasyon ang ExpertOption.

Pagkita sa ExpertOption sa pagkopya ng matagumpay na mga mangangalakal

Isa sa tampok kung bakit nakauungos ang ExpertOption ay dahil sa tampok na panlipunan. Magagawa mong masundan at makopya ang matatagumpay na mangangalakal sa totoong oras. Anuman ang lokasyon ng iba pang mangangalakal sa buong mundo. Isa itong magandang gamit lalo na kung ikaw ay bago sa pangangalakal ng binary options o ayaw dumaan sa proseso ng pagsasaliksik sa asset bago mangalakal dito.

expert option trading download

Pinapadali din ng tampok na ito na pumasok at lumabas sa pangangalakal sa parehong paraan ng sinusundan mong mangangalakal sa totoong oras. Kapag ang kanilang pangangalakal ay kumita, gayundin ang iyong kalakal.

Narito ang ilang hakbang na susundan:

  • Sa iyong account sa pangangalakal, pindutin ang social’ icon sa kanang bahagi ng iyong interface sa pangangalakal
  • Magbubukas ito ng window na nagpapakita ng bilang ng mangangalakal online, mga bukas na deal at mga mangangalakal na nakikipagsapalaran sa parehong asset tulad mo. Malalaman mo din ang bilang ng mga mangangalakal na pumapasok sa deal at ang dami na kanilang ikinakalakal sa totoong oras. Sa paraang ito, maaari mong mahulaan kung papasok ng up’ o down’ na posisyon base sa ginagawang pangangalakal ng iba
    .
  • Kapag nakita mo na ang mga deal na ginagawa ng ibang mangangalakal at maging ang halaga na kanilang ikinakalakal, ang kailangan mo lamang gawin ay kopyahin ang kanilang galaw.expert option