Ang pinakamahalagang kakayahan na dapat mayroon ka bilang mangangalakal ng options ay ang abilidad na magbasa ng graph sa iyong account sa pangangalakal at paghula sa paggalaw ng presyo. Pinadali ito ng platform ng ExpertOptionsa pagbibigay ng ilang gamit sa teknikal na pag-aanalisa.

Ano ang Teknikal na Pag-aanalisa?

Sangkot sa teknikal na pag-aanalisa ang paggamit ng nakaraan at kasalukuyang signal ng presyo upang mahulaan ang hinaharap na paggalaw ng presyo ng asset. Sa maraming panahon, mapapansin mo na ang kasalukuyang kalakaran sa presyon ng asset ay halos kapareho ng nakaraang kalakaran. Gamit ang kaalamang ito, maaari mong magawang mahulaan ang hinaharap na kalakaran.

Ang mga kalakaran ay palaging nakatsart sa graph. Sa graph na ito, ang vertical axis ay kumakataman sa presyo ng asset. Ang horizontal axis sa kabilang banda ay kumakatawan sa oras. Madaling hilahin ang graph mula kaliwa papuntang kanan, sa pagbalik sa oras upang suriin ang nakaraang kalakaran.

Sa pagbalik sa oras magagawa mong makakita ng kalakaran na maaaring inuulit ang sarili. Halimbawa, maaari mong mapansin na ang presyo ay katulad ng uptrend nang nakaraang isang oras pagkatapos magbukas ng merkado tuwing Martes at Miyerkules.

Gamit ang impormasyong ito, maaari kang pumasok sa mapagkakakitaan posisyon tuwing Martes at Miyerkules bandang isang oras pagkatapos magbukas ng merkado.

Siyempre, ang iyong layunin ay dapat kilalanin ang kalakaran na paulit-ulit na nangyayari sa iyong araw ng pangangalakal upang mapalaki ang iyong kita.

expert option

 

Mga uri ng tsart na ibinibigay ng platform ng kalakaran ng ExpertOption

Ang paggalaw ng presyo sa graph ay ipinapakita sa anyo ng mga tsart. Ang ExpertOption ay nagbibigay ng ilang tsart. Tingnan natin ang tatlong pangunahin.

Line Graphs

Ito ay isang linya na sumusubaybay sa paggalaw ng presyo ng asset sa totoong oras. Ang line graph ay gumagalaw mula sa kaliwa ng iyong screen patungo sa kanan. Sa ilalim ay ang larawan ng tipukal na line graph.

Bar Charts

Ito ay ang mga bar ng transaksyon. Bawat bar ay nagpapakita ng tatlong uri ng impormasyon.

Ang una ay ang presyo ng pagbubukas ng asset, at pinakamataas at pinakamababang presyo ng asset na naibebenta tuwing sesyon ng pangangalakal at, ang presyo ng pagsasara ng asset. Sa ilalim ay ang imahe ng isang tipikal na bar graph.

Candlestick Charts

Ang candlestick charts ay nagpapakita ng parehong impormasyon tulad ng bar charts. Gayunpaman, ito ay mas simpleng basahin. Ang candlestick ay naglalaman ng isang parisukat na bar na may dalawang candlesticks sa magkabilang dulo. Sa ibaba ay ang larawan ng candlestick charts.

Kapag naintindihan mo na kung ano ang itsura ng tatlong pangunahing charts, isa pang mahalagang tampok ng teknikal na pag-aanalisa na dapat pag-aralan ay ang panahon ng transaksyon.

Panahon ng Transaksyon

Minamarkahan nito ang pagpasok ng pangangalakal at paglabas sa pangangalakal. Ang pagpasok ng pangangalakal ay ang presyo ng pagbubukas habang ang paglabas sa pangangalakal ay ang presyo ng pagsasara. Ang tagal ng transaksyon ay maaaring anuman mula isang minuto hanggang isang buwan. Sa ExpertOption platform, madali mong mababago ang panahon ng transaksyon sa iyong gusto.

Kaya bakit mahalaga ang panahon ng transaksyon tungkol sa teknikal na pag-aanalisa?

Sa pagbago ng haba ng panahon sa iyong tsart magagawa mong makita ang mga kalakarang nangyari sa kasing iksi ng isang minuto o kung nais mong gawing matagal, ang kalakaran na nangyari sa loob ng ilang oras.

READ  Proseso ng pagrerehistro bilang isang kustomer ng ExpertOption

Sabihin nating sa iyong pag-aanalisa napansin mo ang isang kalakaran kung saan ang pagbabago ng presyo ay gumagalaw pataas sa loob ng 1.5 minuto bago bumaliktad.

Maaari kang kumita mula sa impormasyong ito sa paglalagay ng buy habang nagsisimula ang uptrend at, pagtatakda ng panahon ng transaksyon sa pagitan ng 1 minuto at 1.5 minuto.

Sa ganitong paraang magiging sigurado ka na makalalabas ng pangangalakal bago bumaliktad ang kalakaran.

Isang Pagbabalik Tanaw, Ano ang Teknikal na Pag-aanalisa?

Ito ay isang pamamaraan kung saan mo pinag-aaralan ang makasaysayang tsart upang makilala ang mga paulit-ulit na pattern ng paggalaw ng presyo. Pagkatapos ay maaari mong gamitin ang mga paulit-ulit na pattern upang hulaan ang paggalaw ng presyo sa hinaharap.

Kapag nagsasagawa ng teknikal na pag-aanalisa, mayroong tatlong mahahalagang punto na dapat tandaan:

Ang pagbabagu-bago ng presyo ay sumusunod sa isang kalakaran at ang pagbabago sa presyo ay palaging gumalaw ng pataas o pababa. Kaya matutukoy mo lamang ang isang kalakaran kapag nagsimulang lumipat sa pataas o pababa na direksyon. Kung ang presyo ng asset ay nagsimulang gumalaw sa isang direksyon, asahan na ito ay patuloy na gagalaw sa direksyon na iyon hanggang sa ito ay bumaligtad.

History repeats itself. This is the reason why studying data on an asset’s previous price movements is important. Generally, every assets price movements will exhibit recurring patterns. If you’re able to identify them, it gets easier to predict and profit from them.

This rule is especially important when dealing with volatile markets. If you can be able to identify recurring trends that develop when markets are volatile, you can easily make profitable trades where most traders would lose money.

Ang presyo ng isang asset ay apektado ng maraming saligan na mga kadahilanan. Kabilang dito ang pulitika, sosyo-ekonomiko at natural na kadahilanan.

Samakatuwid mahalaga na manatiling may alam tungkol sa anumang kadahilanan na maaaring makaapekto sa presyo ng mga asset na iyong ikinakalakal.

Ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman sa teknikal na pag-aanalisa ay nagbibigay sa iyo ng kalamangan kapag sinusubukan mong hulaan ang hinaharap na paggalaw ng presyo.

Ang impormasyon na nakuha mula sa teknikal na pag-aanalisa ay maaaring mangahulugan ng pagkakaiba sa pagitan ng patuloy na pagkita anuman ang kondisyon ng merkado at pagdurusa sa pagkalugi tuwing nagbubukas ka ng posisyon. Gamit ang impormasyong ito tumpak mong mahuhulaan ang paggalaw ng presyo at matutukoy kung kailan pinakamahusay pumasok at lumabas ng pangangalakal.

Habang pinapalago mo ang kaalaman dito, magagawa mong magamit at mailapat ang mas sopistikad pagkukumberte ng presyo upang mapabuti ang iyong katumpakan sa panghuhula.

Ang teknikal na pag-aanalisa ay parehong agham at sining. Sangkot dito ang patuloy na pangangalap ng kaalaman tungkol sa merkado at paggamit nito upang mapataas ang iyong pagkakataong kumita tuwing nagbubukas ka ng isang kalakalan.

Trendlines, Support at Resistance

Mula sa Gabay sa Teknikal na Pag-aanalisa sa Platform ng ExpertOption, alam mo na sangkot sa teknikal na pag-aanalisa ang pag-aaral ng kasaysayang data ng merkado. Ang data na nakalap ay gagamitin upang hulaan ang hinaharap na paggalaw ng presyo. Ngunit paano mo eksaktong kinukuha ang mga data na ito mula sa graph at at tsart na iyong magagamit?

Pagkilala ng Kalakaran

Sa gabay sa teknikal na pag-aanalisa, natutunan mo na ang mga pagbabago sa presyo ay sumusunod sa isang kalakaran at ang paggalaw ng presyo ay sumusunod sa isang pataas o pababang direksyon.

Ang hindi nagbabagong pagtaas o pagbaba na paggalaw ng presyo ay tinatawag na kalakaran.

Mula sa larawan sa itaas, mapapansin mo na ang kalakaran ay tumatahak sa pataas na direksyon.

Gayundin, ang kalakaran ay binubuo ng mga kalat-kalat na malalaking pagtaas ng presyo (na makikilala sa mahahabang puting kandila) na sinusundan ng mas maliliit na pagbaligtad ng kalakaran (mahahabang asul na kandila). Ngunit sa pangkalahatan, ang paggalaw ng presyo ay nasa pataas na direksyon.

READ  Gabay sa withdrawal sa ExpertOption

Maaaring iuri ang kalakaran sa dalawang kategorya

Nakabase sa Oras na Kalakaran

Ito ay isang kalakaran na bumubuo sa isang tiyak na haba ng oras. Ang mga ito ay inuuri sa:

  • Maiksing termino na kalakaran na tumatagal ng ilang segundo hanggang dalawang linggo
  • Panggitnang termino na kalakaran na tumatagal ng dalawang linggo hanggang anim na buwan
  • Mahabang termino na kalakaran na tumatagal ng ilang buwan hanggang isang taon
Pangdireksyon na Kalakaran

Sangkot dito ang aktuwal na paggalaw ng presyo na gumagalaw sa isang partikular na direksyon. Kasama dito ang:

  • Uptrends na nangyayari kapag ang pinakamataas na presyo sa isang sesyon ay mas mababa sa pinakamababang presyo sa sesyon na dumating pagkatapos nito.
  • Bearish trend na nangyayari kapag ang pinakamataas na presyo ng isang sesyon ng pangangalakal ay mas mataas kaysa sa pinakamataas na presyo ng nakaraang sesyon sa pangangalakal.
  • Downward trend na nangyayari kapag ang pinakamataas na presyo sa isang sesyon ng pangangalakal ay mas mababa kaysa sa pinakamababang presyo ng naunang sesyon.
  • Flat o horizontal trend na nangyayari kapag ang paggalaw ng presyo ay walang isang partikular na direksyon. Dito, ang presyo sa sesyon ay nananatiling mas madami o mas kaunti sa pareho.

Kapag nangangalakal ng binary options, ang pagtatrabaho ng maiksing termino ng kalakaran ay inirerekomenda. Ito ay tipikal na kalakaran na lumago sa pagtagal ng panahon na hindi hihigit sa 30 minuto.

Gayunpaman, maipapayo rin na simulan ang iyong teknikal na pag-aanalisa sa pag-aaral ng kalakaran na nabuo sa loob ng higit 60 o 120 minutong agwat ng oras. Pagkatapos nito, humanap ng mas maikling kalakaran na nagaganap sa loob ng ilang minuto hanggang 30 minuto.

Pagkilala ng Presyo ng Resistance at Support

Ang kalakaran ay babalik sa kalaunan. Kung gayon dapat mong mahulaan ang pagbabagong ito at lumabas/pumasok sa posisyon sa tamang sandali.

Ngunit paano mo inaasahan ang pagbaligtad ng kalakaran?

Sangkot dito ang pagtukoy ng dalawang mahalagang punto ng presyo sa trendline. Ito ang support at resistance na antas.

Ang support ay ang pinakamababang punto ng presyo sa iyong mga kinakalakal na asset sa sesyon ng pangangalakal. Sa sandaling ang presyo ng asset ay umabot salinya ng suporta sa isang pababang kalakaran, malamang na ito ay magpapantay at babaligtad.

Ang resistance sa kabilang banda ay ang pinakamataas na kalakaran ng iyong asset sa sesyon ng pangangalakal. Sa panahon ng isang uptrend, ang paggalaw ng presyo ay inaasahang babaligtad kapag naabot nito ang linya ng resistance.

Paano Kilalanin ang Support at Resistance

Magsimula sa candlestick graph. Ang dahilan para dito ay ipapakita sa iyo ng candlestick ang eksaktong mataas at mababang presyo sa isang partikular na sesyon sa pamamagitan ng kanilang patulis na candlestick.

Gamit ang iyong gamit sa pagguhit ng linya, gumuhit ng tuwid na linya na kumokonekta sa pinakamababang punto ng presyo sa tsart. Gawin din ito parasa pinakamataas na punto ng presyo. Ang parehong linya ay dapat kahilera ng bawat isa.

Dapat mong tandaan na hindi posible para sa bawat linya na maabot ang lahat ng mataas/mababang puntos ng presyo sa kahabaan ng kalakaran. Ang kailangan mo ay dalawang magkahilerang linya na umaabot sa pinakamataas/pinakamababang punto ng presyo.

Ang espasyo sa pagitan ng iyong dalawang magkahilerang linya ay tinatawag na canal. Ito ay kumakatawan sa 95% ng paglihis sa presyo ng iyong asset. Iyon ay, ang average na presyo na kinakatawan ng lapad ng canal. Halimbawa, kung ang lapad ng canal ay 1.3656 at ikaw ay nag-buy $2.477, ang iyong strike price ay hindi dapat lalagpas sa 3.8426.

Ang pamamaraan na ito ay hindi lamang ang tanging daan upang makilala ang antas ng support at resistance.

Ang isa pang paraan ay sangkot ang pagtingin sa mga asset na lampas na sa pinakamataas at pinakamababang presyo. Ang paggamit ng tuntunin na inuulit ng kasaysayan ang sarili nito, malamang na ang mga presyo sa hinaharap ay lalagpas sa mga punto ng presyo na ito.

READ  Mga gabay sa Expert option

Sa wakas, maaari ka ring magpasiya na gamitin ang prinsipyo ng bilog na pera. Iyon ay, ipinapayo na kung mayroon kang pagpipilian upang ilagay ang iyong resistance sa $16,500 at $16,000 at ilagay ito sa mas mababang bilog na halaga. Pagkatapos, ilagay ang iyong support sa $17,000.

Ang gabay na ito ay nagtuturo sa iyo na ang pag-alam sa kung paano ginaganap ang teknikal na pag-aanalisa ay isang hakbang lamang sa pagiging ekspertong mangangalakal ng options. Dapat mo ring malaman kung paano gamitin ang impormasyong ibinigay ng iyong teknikal na pag-aanalisa upang makilala ang kalakaran at mga limitasyon ng kalakalan upang mailapat sa panahon ng iyong sesyon ng kalakalan.

Alligator/Crocodile Indicator

Ang Alligator indicator ay isa sa aking paboritong gamit sa kalakalan. Hindi lamang dahil sa kanyang astig na pangalan kundi pati na rin kung paano ito tumatakbo.s

Ang indicator na ito ay ipinakilala ni Bill Williams, isang matagumpay na mamumuhunan at may-akda ng aklat na Chaos Theory. Ang indicator na ito ay nilikha upang salaminin ang pag-uugali ng hayop kung saan kinuha ang pangalan nito. Agresibo ito kapag binubuksan ang bibig at tahimik kapag natutulog. Ang mga mangangalakal na gumagamit ng indicator na ito ay agresibo kapag bumubukas ang bibig at umiiwas mangalakal kapag ito ay natutulog.

Tingnan natin kung paano gumagana ang indicator na ito.

Pangkalahatang-ideya sa Alligator indicator

The Alligator indicator is based upon three different SMMA sliders with different transactions.

Ang panga ng Alligator ay kinakatawan ng 13 panahon ng moving average (SMMA). Ito ay batay sa average ng mga bar graph. Ito ay inililipat sa 8 bar graph.

Ang ngipin ng Alligators ay kinakatawan ng 8 panahon ng SMMA batay sa average na presyo at inililipat sa 5 bar graph.

Ang labi ng Alligator ay kinakatawan ng 5 panahon ng SMMA batay sa average na presyo at inililipat sa 3 bar graph.

Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita sa iyo kung paano i-set ang indicator na Alligator sa platform ng ExpertOption.

Isa sa dahilan kung bakit maraming mangangalakal ang gusto ang Aliigator indicator sa tradisyonal na moving average indicator ay ang kakayahan nitong alisin ang mga maling signal. Ang tradisyonal na MA indicator ay kadalasang bukas sa maling signal na kadalasang nagreresulta sa pagpasok o paglabas ng posisyon ng masyadong maaga o masyadong huli.s

Ang Alligator indicator ay dumadaan sa wake up’ cycle na titingnan natin sa susunod.

Ang wake up cycle ng Alligator indicator

Tulad ng nabanggit sa simula ng gabay na ito, inirerekomenda na mangalakal ka lamang kapag binuksan ng Alligator ang bibig nito. Tulad ng tradisyonal na moving average na indicator, ang paglalagay ng buy o put ay depende sa direksyon ng kalakaran.

Pagsara/pagtulog ng Alligator

Nangyayari ito kapag ang lahat ng tatlong linya ng SMMA ay tumatawid sa bawat isa pati na rin ang pagputol sa linya ng presyo. Dito, ang merkado ay halos di gumagalaw na may maliit na aktibidad. Walang malinaw na kalakaran.

Bukas na bibig ng Alligator

Ito ay nangyayari kapag ang tatlong linya ng SMMA ay tumatakbo sa ilalim o sa itaas ng tsart ng presyo, oras na upang pumasok sa merkado. Kung tumatakbo sila sa itaas ng tsart, sell, kung tumatakbo sa ilalim, buy.

Ang Alligator indicator ay nilikha upang matulungan ang mga mangangalakal na alisin ang panghuhula kung saan ang kalakaran ay hindi malinaw na malinaw. Isa itong Ito ay isang makabagong gamit kumpara sa tradisyonal na MA indicator. Gayunpaman, kung nauunawaan mo ang mga pangunahing kaalaman na tinalakay sa gabay na ito, dapat ay magawa mong mailapat ang indicator na ito at kumita sa pangangalakal.

 

expert option