Ang pamumuhunan ng iyong pera sa pangangalakal, maging sa merkado ng Binary Options ay nangangailangan ng estratehiya.

binary options

Ang pinakamahusay na mga mangangalakal ay kadalasang gumagamit ng iba’t ibang istratehiya. Pinagsasama nila ang mga ito upang kumita ng sa kanilang pamumuhunan, ng hindi nalulugi ng malaki.

Isa sa pinakakilalang istratehiya na ginagamit ng parehong bago at may karanasang mga mangangalakal ay ang Istratehiya ng Pagsaklang.

Sa merkado ng Binary Options, ang istratehiyang ito ay ginagamit kapag inaasahan ng mangangalakal na magbabago ang presyo ng pinagbabatayang asset, ngunit hindi sigurado sa direksyon ng paggalaw. Sa pagbili ng call at put options, ang mangangalakal ay maaaring kumita mula sa parehong kalalabasan at kung sakaling ang pagkakaiba ng presyo ay sapat na, ang halaga ng pera na napanalunan sa isang opsyon ay matatabunan ang isa pa at mag-iiwan ng ilang ekstrang kita.

Gayunpaman, ang call at put options ay hindi mabibili sa parehong oras. Walang broker ang nagpapahintulot nito. Ang dalawang magkasalungat na option ay binibili sa kaukulang taas at baba ng kalakarang sinusubaybayan. Kung kaya sa madaling salita, ang unang opsyon ay bibilhin at kinalaunan ang isa pa ay bibilhin din ng mangangalakal. Ang dalawang ito ay dapat nakatakdang matapos sa parehong oras.

Halimbawa, isipin mo na ang isang kompanya ay maglalahad ng kanilang taunang ulat sa pagpupulong ngayon. Mayroon, siyempre, na ilang inaasahan sa ulat na ito. Kung ito ay natugunan, ang presyo ng stock ng kompanya ay tataas. Kung hindi, ang presyo ng stock ay walang dudang babagsak.

Ito ang perpektong batayan para sa pamumuhunan sa istratehiya ng Pagsaklang: ang paggalaw ng presyo ay halos sigurado, ngunit ang direksyon ng paggalaw ay walang katiyakan. Sa pamumuhunan sa parehong put at call option sa parehong presyo, sinasaklaw ng mangangalakal ang parehong kalalabasan na nagbibigay ng pagkakataon sa mapagkakakitaang resulta para sa kanya. Ang mangangalakal ay maaaring magsimula sa pagbili ng option na para sa kanya ay mas lamang, pagkatapos ay susubaybayan ang mga live chart at kung kailangan, ay bibili ng salungat dito upang masigurado na siya ay kikita.

READ  Estratehiya
Kung gayon, ang mangangalakay ba ay maaaring bumili lamang ng parehong option sa anumang asset at garantisado na ang kita sa paggamit ng Istratehiya ng Pagsaklang sa Binary Options?

Ang simpleng sagot ay hindi.

binary options trading

Walang sinuman ang 100% sigurado na ang presyo ng pinagbabatayang asset ay magbabago. Bagaman sa maraming kaso ang istratehiya sa Pagsaklang ay kadalasang nauuwi sa panalo (minsan ay maging dobleng kita!) ang mangangalakal ay nahaharap pa din sa panganib ng dobleng pagkatalo.

At sa lahat ng iba pang bagay, ginagawa itong perpekto ng pagsasanay!

Bago ilagay ang totoong pera sa linya, ang pagsasanay sa demo account ay mas mabuti, lalo na para sa mga baguhan. Ang paghahanap ng potensyal na asset at pagsubok na hulaan kung ang pagsaklang ay nararapat ay magandang pagsasanay! Ang paglalaan ng oras upang maperpekto ang pamamaraang ito ay maaaring maging malaking tulong sa katagalan.

Ang isa pang bagay na dapat laging alalahanin, ay anumang istratehiya ang iyong ginagamit, ang masinsinang pag-aanalisa sa merkado ay kailangan. Isang detalyadong teknikal at napakahalagang pagsusuri ang saligan para sa mapagkakakitaang pangangalakal.

Panatilihin ang lahat ng ito sa pag-iisip at lumabas ka doon! Galugarin ang magandang mundo ng pangangalakal ng Binary Options, makipagsapalaran ng kaunti, gamitin ang lahat ng iyong pinakamagaling na galaw at sa huli ay kumita ng pera!