Noong unang lumabas ang binary options, malinaw na ito ay simpleng gamitin at napakakomprehensibo para sa lahat, anuman ang kanilang antas ng karanasan at kaalaman. Tulad ng iminumungkahi ng pangalan nito, ang mga uri ng options ay binary i.e. ito ay pares. Upangbinary options maipaliwanag pa ng mas malalim, nangangahulugan ito na mayroon lamang dalawang posibleng kalalabasan. Titingnan natin ang lahat ng (pinakakaraniwang) uri ng binary options at lilinawin ang lahat para sa iyo.
High/Low
Ang High/Low option ay ang pinakamadalas na gamiting uri ng binary option na mahahanap mo sa lahat ng platform. Ang pinakailangan mong gawin kapag pumipili sa option na ito ay kung ang presyo ng isang tiyak na asset ay tataas o bababa sa dulo ng katapusan ng oras ng pag-expire kumpara sa kasalukuyang presyo ng asset. Tulad ng iyong napapansin, mayroon lamang dalawang posibleng kalalabasan mula sa senaryong ito. Ang pinakamahalagang salik sa kasong ito ay ang oras ng pag-expire. Ang oras ng pag-expire ay madalas mula 60 na segundo pataas. Itinatakda ng ilang broker ang kanilang oras ng pag-expire, habang ang iba ay hinahayaan kang pumili mismo ng oras ng pag-expire. Kadalasan, ang oras ng pag-expire ay nasa pagitan ng 15 minuto at ilang oras. Malinaw na kung sa katapusan ng oras ng pag-expire at ang presyo ay tumaas, at inilagay mo ang iyong pera sa High option, ikaw ay malinaw na nanalo. Kung sa kabilang banda, pinili mo ang High option, ngunit ang presyo ng asset mas mababa kaysa sa orihinal na presyo, malinaw na ikaw ay natalo at mawawala ang iyong ipinuhunan.
READ  Paano Kumita ng Pera sa Binary Options?
One Touch/No Touch
Ang One Touch/No Touch binary option ay isang uri na lubos na umaayon mula sa nakaraang High/Low na uri. Ang punto ng uri ng option na ito ay hulaan kung ang isang tiyak na asset ay aabot o hindi sa isang tiyak na presyo sa anumang sandali bago ang oras ng pag-expire. binary options tradingAng trigger point ay maaaring kahit saan at anumang oras, ang mahalagang bagay ay “maabot” ng asset ang tiyak na presyo, o hindi ito “maabot” kung ito ang pinili. Kung sakaling ang mangangalakal ay nasa panalong sitwasyon, ang gantimpala ay depende kung gaano kadaling “hulaan” ang kalalabasan. Kung ang punto ay mas madaling maabot (o hindi maabot), siyempre, ang gantimpala ay mas maliit. Kung sa kabilang banda, ay hindi malinaw kung ang asset ay aabot sa punto o hindi, ang potensyal na gantimpala ay mas mataas.
Pairs
Ang Pair ay isang uri binary option na hinahayaan kang hulaan kung anoong asset ang magiging mas mataas ang halaga sa katapusan oras ng pag-expire. Halimbawa, sabihin nating mayroong asset A at B. Sasabihin mo na sa katapusan ng oras ng pag-expire, ang asset A ay magkakaroon ng mas mataas na halaga kaysa sa asset B. Kung sa katapusan ng oras ng pag-expire ang asset A ay may mas mataas na halaga kaysa sa asset B, congratulations – ikaw ay nanalo! Kung nawalan ka ng suwerte at sinabi na ang asset B ay magkakaroon ng mas mataas na halaga, mawawala ang iyong ipinuhunan.
Boundary/Range
Habang sa High/Low option, dapat ay mahulaan mo ang direksyon kung anong presyo ito tutungo, sa Boundary o Range, magagawa mong magtakda ng mga halaga sa loob kung saan tutungo ang presyo ng asset.
READ  Mga Kilalang Asset na Ikakalakal sa Industriya ng Binary
Dapat ay magtakda ka ng dalawang trigger point: ang pinakamababa at ang pinakamataas. Ang mga trigger point na ito ay ang mga halaga na hindi dapat maabot ng asset anumang oras, upang ikaw ay kumita. Malinaw na mas mababa ang panganib kapag pumili ka ng mas malawak na saklaw kung saan dapat mananatili ang asset. Ngunit para sa mas maliit na saklaw ang gantimpala ay mas mataas.
Long Term/Short Term
Lahat ng oras sa binary option ay mayroong oras ng pag-expire, at sa binary option na ito, magagawa mong limitahan ang oras kung saan pinakamabuti para sa iyo. Ang mga Short Term na pangangalakal, ay natural na ginagawa upang mabilis na manalo (o mabilis na matalo siyempre). Ang tagal ng oras ng pangangalakal na ito ay maaaring tumagal mula sa kasing iksi ng 60 na segundo, hanggang sa ilang minuto. Sa kabilang banda, ang mga long term na pangangalakal ay para sa mga gusto mong magkaroon ng oras at panoorin ang kuwento na matapos. Ang mga pangangalakal ng Long Term ay maaaring tumagal mula sa kasing iksi ng ilang araw, hanggang sa ilang buwan. Gayunpaman, dapat isaisip ng bawat mangangalakal na ang merkado ay maaaring magbago ng maraming beses sa loob ng ilang buwan at mas mahirap itong hulaan ng tama. Mayroong maraming uri ng binary option na mapagpipilian ng mga mangangalakal. Lahat ito ay ginawa upang ang magkaroon ng bukas na option ang mga mangangalakal, at gawin ang pangangalakal ayon sa gusto nila. Kung nadalian kang maintindihan ang mga option na ito, tingnan kung ano ang inaalok ng mga broker ng binary, at mas madidiskubre mo ang mga mas natatanging uri ng binary options na nilikha ng mga broker para sa mga mangangalakal!
READ  Paano Iwasan ang mga Manloloko sa Pangangalakal ng Binary Options

Learn more about binary options trading:

Estratehiya

Kapag nagpasya ka na ang pangangalakal ng binary options ay …

Mga Gabay

Kung mayroon kang interes o passion sa pangangalakal ng Binary …