Ang pangangalakal ng binary options ay nagbibigay sa mga namumuhunan ng isang madali (at ang totoo ay masaya!) na paraan upang mangalakal at kumita ng pera. Simula nung lumabas ang binary options sa merkado, ikinonsidera na ito bilang magandang konsepto.

Gayunpaman, noong una itong naging available sa publiko, nagkaroon ng mataas na hindi napangangasiwaan binary options at hindi namomonitor, na nagreresulta sa pagkakaroon ng maraming manlolokong broker.

Gayunpaman, ang pangangalakal ng binary options ay nagiging mas napangangasiwaan, at ang mga manlolokong website ay pinapasara, ngunit hindi lahat ay perpekto pa rin. Mayroong maraming mapagkakatiwalaan at totoong mga broker na magagamit, ngunit kasama sa kanila ay ang ilan na manloloko.

Sa gabay na ito, ipapaalam namin sa iyo kung paano makita ang mga manlolokong broket at pumili ng mga tunay na mapagkakatiwalaan.

Hindi Inaasahan

Makatatanggap ka ng isang tawag o email mula sa isang broker na nagsasabing nag-aalok sila ng mga masyadong magandang serbisyo para maging totoo, ang pagkakataon ay, sinusubukan ka nilang isangkot sa isang panloloko.

Hindi inaasahan sa mga marangal na broker na tumawag sa mga tao, at mangako ng mataas na balik at mabilis na kita – sapagkat hindi ganito gumagana ang mga bagay-bagay.

Kung nakatanggap ka ng tawag o email na “nag-aalok sa iyo na hindi mo kayang palampasin”, mas dapat mong palampasin iyon!

READ  Binary options para sa mga baguhan

Ang isa pang bagay ay ang isang totoong broker ay hindi lalabag sa tuntunin ng pagkapribado sa pagtawag sa iyo ng walang pahintulot. Ang isang marangal na broker ay tatawag lamang sa iyo kung binigyan mo sila ng pahintulot.

2. Awtomatikong Pangangalakal

Tila magandang konsepto ang magkaroon ng robot o propesyonal na nagtatrabaho sa kompanya upang tumulong sa iyong pagsisikap na mangalakal. Gayunpaman, maliwanag na ito ay salungat na interes para sa isang halatang kadahilanan – naroon ka upang kumita; ang broker ay kumikita tuwing ikaw ay nalulugi.

Kapag labis na itinutulak ng broker ang kanilang “pangkat ng propesyonal”, nangangahulugan ito na naghahanap sila ng paraan upang ikaw ay malugi para sa kanilang sariling kapakinabangan. Gayunpaman, para maging patas, mayroong mga totoong broker na nag-aalok ng 1-on-1 na pagkonsulta sa isang propesyonal, ngunit talagang tinutulungan ka nila.

3. Hindi Malinaw na mga Tuntunin at Kondisyon

Bago pumili ng isang broker, kailangan mong pag-aralan ang kanilang website, at maging pamilyar sa kanilang mga tuntunin at kondisyon.

Kung tila hindi sila lehitimo, o labis na walang prinsipyo, kailangan mong isara ang website na iyon at humanap ng ibang broker na totoo.

Sapagkat ang tuntunin at kondisyon ay paraan ng mga broker upang protektahan ang kanilang sarili, siguraduhin na tingnan ng mabuti kung saan nila pinoprotektahan ang kanilang sarili.

4. Bonuses Policy

Lahat ng broker ay nag-aalok ng iba-ibang bonus sa mga mamumuhunan. At ang totoo, ang mga bonus ay talagang maganda sapagkat nagbibigay ito sa mga gumagamit ng karagdagang tulong na kanilang masasamantala.

Gayunpaman, kapag ang bonus ay tila masyadong maganda, kailangan mong tingnan kung ano ang nangyayari. Para maging patas, mayroong mga lehitimong broker na nag-aalok ng 100% bonus, at totoo sila.

READ  RSI na Istratehiya sa Pagbaligtad ng Kalakalan - Olymp trade

Gayunpaman, bago magdesisyong pumasok sa mundo ng pangangalakal ng binary options sa isang broker, siguraduhin na nabasa mo ang kanilang patakaran sa mga bonus. Ang ganitong mga bagay ay dapat makikita sa kanilang website. Kung wala ito doon, maaaring may hindi magandang nangyayari.

5. Hindi Nagpoproseso ng mga Withdrawal

Sabihin na natin na namuhunan ka at ngayon ay guto mong i-withdraw ang iyong pera.

Ang marangal na broker ay hihingi sa iyo ng mga dokumento ng pagkakakilanlan upang masigurado na ikaw talaga ang nagwi-withdraw ng pera.

binary options trading scamGayunpaman, sa mga manlolokong broker, ang kuwento ay medyo iba. Kahit pa humingi sila sa iyo ng mga dokumento ng pagkakakilanlan, hindi ito nangangahulugan na tinatrabaho at pinoproseso nila ang iyong pagwi-withdraw.

Sa hinaharap, mahahanap mo ang iyong sarili na sumusulat ng napakaraming email at sumasagot sa telepono ng ilang daang beses, ngunit hindi ka pa rin makakukuha ng sagot. Ang ilang mga manlolokong broker ay ginagawa pang masyadong komplikado ang pagwi-withdraw, at umaasa na ang gumagamit ay susuko din.

6. Tingnan ang mga Online Blacklist

Ang pangangalakal ng binary options ay matagal tagal na rin, na nangangahulugang maraming manlolokong website ang nabisto na at naidagdag sa blacklist.

Makahahanap ka online ng maraming totoong blacklist ng mga broker na dapat mong iwasan, at maniwala ka sa amin kapag sinabi namin dapat kang magtiwala sa mga listahan. Ang AML (anti-money laundering) ay nagtatrabaho upang mabisto ang mga manlolokong broker at balaan ang mga gumagamit na huwag magtiwala sa mga broker na iyon.

Sa katotohanan, mayroong mga manloloko at maaari nilang masira ang kabuuang imahe ng mga broker sa pangangalakal ng binary options na nagbibigay ng maganda at mapagkakatiwalaang mga serbisyo.

READ  Buksan ang Iyong Unang Pangangalakal sa Olymp trade

Gayunpaman, ang pangangalakal ng binary options ay isa pa ring bagay na magandang gamitin kung nais mong magkaroon ng karagdagang kita. Ang pagpili ng totoong broker ang pinakamahalagang bagay na dapat mong gawin sapagkat hindi mo nais na masayang ang iyong pera at maloko.

Siguraduhing tingnan ang mga blacklist online at magbasa-basa ng opinyon ng mga gumagamit bago magtiwala sa isang broker. Maaari ka ding pumunta sa aming pahina ng mga pagsusuri at tingnan kung ano ang tingin namin sa isang tiyak na broker! Manatiling ligtas at malayo sa panloloko!

Matuto nang higit pa tungkol sa kalakalan ng binary options:

Estratehiya

Kapag nagpasya ka na ang pangangalakal ng binary options ay …

Mga Gabay

Kung mayroon kang interes o passion sa pangangalakal ng Binary …