Ano ang binary options?

Ang binary option ay isang pinansiyal na kontrata kung saan ang mamimili ay maaaring makatanggap ng isang hindi mababagong kita o walang kahit na ano. Ang kontrata ay katulad nito. Namuhunan ako ng isang tiyak na halaga, sabihin nating $10 na nagbabakasakaling ang presyo ng USD/EUR ay mas mataas pagkatapos ng 30 minuto.

Ang tagapagtustos ng options ay sumang-ayon na bayaran ako ng 85% ng ipinuhunang halaga kung tama ang hula ko. Kung hindi, mawawala ang aking $10. Pagkatapos ng 30 minuto, ang presyo ay mataas na tulad ng aking hula. Kaya binayaran ako ng tagapagtustos ng options ng $18.5.

Legal ba ang binary options?

Ang unang binary options ipinakilala ng mga bangko noong 2008. Habang ang internet ay nahihinog ang mga online forex broker ay nagsimulang mag-alok ng binary options sa publiko. Gayunpaman, nakahikayat ito ng maraming manlolokong negosyo na gusto lamang perahan ang mga mangangalakal. Dahil dito nangialam ang maraming regulatory body sa buong mundo.

Halimbawa, ang CFTC sa USA ay hindi ipinagbabawal ang pangangalakal ng binary options. Gayunpaman, anumang palitan na nag-aalok ng binary options ay kailangang maging lubos na pinamamahalaan ng CFTC at o SEC.

Sa Europe, ang mga namamahala tulad ng CySEC at FCA ay iniuutos din sa mga broker na nag-aalok ng binary options sa mga kliyente sa Europa na maging lubos na pinamamahalaan. Sa madaling salita, ang pangangalakal ng binary options ay legal sa maraming bansa sa buong mundo. Ang tanging bansa na kilala namin sa ngayon na nagbabawal ng pangangalakal ng binary options ay Israel.

READ  Mga gabay sa IQ Option
Ligtas ba ang binary options?

Kung nais mong mangalakal ng binary options, ang dapat na iyong pangunahing alalahanin ay kung ang broker o palitan na iyong pamumuhunan ay lubos na pinamamahalaan. Tingna ang IQ Option bilang halimbawa. Ang broker na ito ay lubos na pinamamahalaan ng CySEC upang mag-alok ng mga serbisyo ng pangangalakal sa mga instrumento ng pananalapi sa mga mamamayan ng Europa. Nangangahulugan ito na ang iyong puhunan ay lubos na insured at kung sakaling ang broker ay bumagsak, ikaw ay mababayaran.

Bagaman ang iyong puhunan ay lubos na protektado, hindi ito nangangahulugan na magiging matagumpay ka sa pangangalakal ng binary options. Palaging mayroong panganib na malugi. Gayunpaman, maaari mong pataasin ang iyong pagkakataong kumita sa pagsasanay gamit ang demo account ng IQ Option, ang pagkakaroon ng magandang estratehiya sa pangangalakal at pagsasanay ng mahusay na pamamahala ng account.

pagpapatunay ng account sa pangangalakal

Bawat bagong account ng pangangalakal sa IQ Option ay dapat mapatunayan. Ito ay isa sa kailangan na itinakda ng CySEC, ang pangunahing tagapamahala sa IQ Options. Bagaman nakaiirita at aksaya ng oras ang tingin ng karamihan sa mangangalakal sa proseso ng pagpapatunay ng account, ito ay para sa kanilang kabutihan. Isang beses na proseso din lamang ito.

Ang dalawang dahilan kung bakit ang pagpapatunay ng account ay kailangan ay:

  1. Mababayaran lamang ng CySEC ang mga mangangalakal na makapagpapatunay na nagdeposito sila ng pondo sa broker sakaling magsiyasat ito. Ang napatunayang account lamang ang iyong kailangan.
  2. Sa pagpapatunay ng account sumusunod ang IQ Option sa mga internasyonal na batas na pumipigil sa paglulustay ng pera.
READ  Paano Magdeposito at Mag-withdraw sa account ng pangangalakal sa IQ Option + FAQ

Kung nagbukas ka ng account ng pangangalakal sa IQ Option at hindi pa ito napatutunayan, narito ang mga hakbang na dapat gawin.

Unang hakbang

Mag-login sa iyong IQ Option account gamit ang mga detalye na ginamit mo upang magrehistro ng iyong account, pindutin dito sa ibaba.

[wpaff_table id=”9″]

iq option

 

Ikalawang hakbang

Para sa website pindutin ang tab sa personal na detalye. Dadalhin ka nito sa iyong personal na profile. Mag-scroll sa ibaba ng pahina at pindutin ang link sa pagpapatunay ng account.

Para sa app ng pangangalakal Pumunta sa Settings -> Security

Ikatlong hakbang

Sa puntong ito, kakailanganin mong magpatunay ng dalawang bagay, ang iyong email address at ang iyong numero ng telepono. Pindutin ang verify email.

Pumunta sa iyong email at buksan ang email na ipinadala ng IQ Option. Mayroong espesyal na code na kakailanganin mong kopyahin at i-paste sa pahina ng pagpapatunay ng email sa IQ Option. Kapag na-paste na, pindutin ang continue button.

iq option review

Upang patunayan ang iyong mobile number, kakailanganin mong ipasok ito sa field na ibinigay. Pindutin ang send code. Magpapadala sa iyo ang IQ Option ng natatanging code na kakailanganin mong ipasok sa site upang patunayan ang numero ng iyong telepono.

Tandaan na kukumpirmahin agad ng IQ Option ang email at numero ng mobile phone pagkatapos ilagay at isumite ang mga code.

Ikaapat na hakbang

Sa wakas, kakailanganin mong kumpletuhin ang iyong personal profile. Kabilang dito ang paglalagay ng mga detalye tulad ng iyong pangalan, address at petsa ng kapanganakan. Kakailanganin ng IQ Option ang kopya ng iyong ID o pasaporte kung hindi mo pa ito ipinadadala. Ang data na iyong inilagay sa personal profile ay dapat tumugma sa dokumento ng iyong pagkakakilanlan.

READ  Gabay sa Bawat Hakbang ng Pangangalakal sa Platform ng IQ Option

Pindutin ang save.

iq option scam

[wpaff_table id=”9″]

iq option login