Madalas nating tinatanong: Ano ang binary options? Ang binary options ay isa sa pinakakilalang paraan upang kumita ng pera sa pamamagitan ng pangangalakal ng mga pinansyal na instrumento. Ito ay medyo iba mula sa mga tradisyonal na opsyon sa mga tuntunin ng sino ang mag-aalok sa kanila, sa kanilang liquidity, gantimpala at panganib gayundin ang pagbabayad. Mas madali din itong magamit ng mga mangangalakal kumpara sa mga tradisyonal na opsyon salamat sa mga online broker na pinapayagan kang mangalakal mula sa kahit saan man sa mundo.

Sinumang mangangalakal na nais mamuhunan sa binary options ay dapat maintindihan ang potensyal na panganib at gantimpala. Mahalaga ding maintindihan na hindi lahat ng kompanya na nag-aalok ng binary options ay lehitimo. Ito ang dahilan kung bakit namin nilikha ang site na ito upang gabayan ka sa ilan sa mga nangungunang broker ng binary options na magagamit sa ngayon.

Ano ang binary options?ano ang binary options

Kadalasang inuuri sa ilalim ng kakaibang opsyon, ang binary option ay isang pinansyal na opsyon kung saan ang balik ay isang hindi mababagong halaga o walang kahit na ano. Karaniwan, ang hindi mababagong balik na halaga ay $100. Ang binary options ay may iba’t ibang tawag depende kung saan ka nangangalakal. Kasama sa mga tawag dito ang fixed return options (US), all or nothing options at, digital options.

Ang isa pang paraan upang ilarawan ang binary options ay kung paano sila nagpapatakbo. Ang isang solong transaksyon na may kinalaman sa binary options ay batay sa isang simpleng oo o hindi na panukala depende sa kung paano makikipagsapalaran ang mangangalakal kung paano gagalaw ang pinansyal na instrumento. Ang mangangalakal ay bibili (call) o magbebenta (put) lamang depende sa kung paano nila sagutin ang tanong:

Ang presyo ba ng pinansyal na instrumento na ikakalakal ay tataas o bababa kumpara sa kasalukuyang presyo pagdating sa panahon ng katapusan

Kung sa tingin ng mangangalakal ay tataas ang presyo, ang kasunod na hakbang ay pagbili. Gayunpaman, kung sa tingin ng mangangalakal ay babagsak ang presyo, siya ay magbebenta. Sa katapusan, ang mga mangangalakal na may tamang ispekulasyon ay kikita. Gayunpaman, mawawala ang puhunan ng mga mali ang hula.

Ngunit ano ang mangyayari kapag natapos na ang oras at ang presyo ay hindi nagbago?

Sa karamihang kaso, mababalik ang iyong puhunan at hindi ka magkakaroon ng kita o lugi. Gayunpaman, ang halagang ibinalik ay depende sa iyong broker. Pinapayagan ng binary options ang mga mangangalakal na gamitin ang iba’t ibang asset na ikinakalakal sa buong mundo kasama ang mahahalagang metal, mga pares ng pera, mga indeks, mga kalakal at mga stock.

Gayunpaman, sa halip na bilhin ng aktuwal ang pinagbabatayang asset (halimbawa pagbili ng stock ng Google), ikaw ay nangangalakal sa galaw ng presyo ng pinagbabatayang asset. Dahil dito ay maaari kang mamuhunan ng kasing baba ng $10 sa isang kalakal.

Isang detalyadong halimbawa na nagpapakita kung paano gumagana ang binary options

Nagdesisyon kang mangalakal ng S&P 500 index na kasalukuyang nagkakalakal sa $1430. Pagkatapos kumonsulta sa iba’t ibang mga tsart at teknikal na kagamitan, sa tingin mo ay tataas ang presyo sa susunod na ilang oras. Gayunpaman, hindi mo mahulaan kung gaano kalaki ang itataas. Kung kaya nagdesisyon kang mag-call (bumili).

Dahil nag-aalok ang broker ng ilang panahon ng pagtatapos na may saklaw mula 5 minuto hanggang 1 buwan, nagpasya kang hawakan ang posisyon ng pangangalakal sa loob ng 10 minuto. Iyon na yon, kung pagkatapos ng 10 minuto ang presyo ng S&P 500 index ay humigit pa sa $1430, magkakaroon ka ng kita. Kung mas mababa ito, mawawala ang iyong puhunan. Ipinapahiwatig ng iyong broker na makakakuha ka ng 70% sa iyong puhunan (kita).

READ  Binary Options –Madali Ito!

Depende sa diskarte sa pamamahala ng iyong account, nagdesisyon kang mamuhunan ng $100 sa kalakalan (karaniwan naming inirerekomenda ang tungkol sa 2% ng iyong kabuuang halaga ng account). Sa oras ng katapusan, ang presyo ng index ng S&P 500 ay $1432. Isang pagtaas ng $2. Nangangahulugan ito na nagkaroon ka ng $70 na kita (70% ng $100). Samakatuwid ang account mo ay madadagdagan ng $170.

Tandaan na ang $2 na pagtaas sa presyo ng S&P 500 index ay hindi ang iyong kita dahil hindi mo aktuwal na pagmamay-ari ang asset. Makukuha ang iyong kita sa halaga na iyong ipinuhunan. Kung kaya, kung ang presyo ng S&P index ay bumaba sa $1429, mawawala ang iyong $100 na puhunan. Sa kabilang banda, kung ang presyo sa katapusan ay nanatili sa $1430, malamang na ibabalik lamang ng iyong broker ang iyong $100.

Ang halimbawang ito ay naglalarawan ng isang simpleng mataas/mababang opsyon ng kalakalan. Ang mga broker ngayon ay madalas na nag-aalok ng ibang kakaibang mga opsyon sa kalakalan na kinabibilangan ng one touch at range. Narito ang maikling pangkalahatang-ideya tungkol sa kung paano gumagana ang bawat isa.

Paano gumagana ang kalakalan sa one touch binary options
Digital Currency para sa kalakalan ng binary

Gamit ang halimbawa sa itaas, ang tuntunin ng one touch trade ay dapat maabot ng S&P 500 na halaga ng paggalaw ang nauna nang hinulaang antas ng presyo bago ang oras ng pagtatapos. Karaniwan ay magbibigay ka ng dalawang antas ng presyo, isa sa itaas ng kasalukuyang presyo at isa sa ibaba nito.

Gamit pa rin ang kasalukuyang presyo na S&P 500 ng $1430, ang iyong broker ay maaaring magbigay ng saklaw ng presyo sa pagitan ng $1400 at $1460. Pagkatapos ng pag-aaral, tinataya mo na dahil ang presyo ay tumataas, maaari itong umabot ng $1437 bago magsimulang bumaba. Tantiya mo rin na tatama ito ng $1437 sa loob ng 150 minuto.

Gamit ang one-touch trade, inilalagay mo lamang ang antas ng iyong presyo sa $1437 o mas mababa pa at sa oras ng pagtatapos na 150 minuto.
Kung ang presyo ay umabot sa $1437 bago ang oras ng pagtatapos, ikaw ay magkakaroon ng kita. Gayunpaman, kung hindi ito umabot ng $1437, mawawala ang iyong puhunan.

Paano gumagana ang saklaw ng pangangalakal sa binary options

Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, ang saklaw ng pangangalakal sa binary options ay pinahihintulutan kang makipagsapalaran sa loob ng isang partikular na saklaw ng halaga kung saan inaasahan mong mananatili ang halaga ng pinagbabatayang asset sa loob ng partikular na panahon. Magkakaroon ng kita kapag ang halaga ay nanatili sa loob ng piniling saklaw matapos ang katapusan ng kalakalan.

Gamit ang halimbawa sa itaas, ang saklaw ay nasa pagitan ng $1430 at $1437 sa loob ng 150 minuto. Kung ang presyo ay mas bumaba sa $1430 o tumataas ng higit pa sa $1437, mawawala ang iyong puhunan.

Tulad ng maaaring napansin mo na, ang mga kakaibang kalakalan sa binary options ay may mataas potensyal ng panganib at gantimpala kumpara sa mataas/mababang kalakalan. Habang ang klasikong mataas/mababang kalakalan ay nag-aalok ng balik na nasa pagitan ng 50% at 85%, ang mga kakaibang kalakalan ay maaaring mag-alok ng balik na hanggang 500%.

Ginagawang madali ng mas mataas na balik ang magkaroon ng sapat na kita upang masakop ang luging iyong natamo mula sa iba pang pangangalakal. Gayunpaman, pinapayuhan kang mag-ingat kapag pumasok sa mga kalakalan na nag-aalok ng hindi makatotohanang mataas na balik sapagkat ang potensyal na matalo ay madalas na mas mataas kaysa kumita.

Pangangalakal ng binary options mula sa iba’t ibang rehiyon sa mundo

Kung ikaw ay namimili ng isang maaasahang binary options broker, maaari mong mapansin na ang ilang broker ay tumatanggi sa mga mangangalakal mula sa ilang tiyak na rehiyon. Ang dahilan dito ay ang binary options broker ay kailangang lisensyado at pinangangasiwaan upang mag-alok ng kanilang serbisyo sa mga mamamayan ng isang partikular na bansa. Maraming binary options broker ang talagang sinisingil at pinagmumulta ng mga nangangasiwa mula sa iba’t ibang bansa. Halimbawa, ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng US ay nagsampa at pinagmulta ang isang broker na nakabase sa Cyprus dahil sa ilegal na pagbebenta ng binary options sa mga mamamayan ng US noong 2013. Ang parehong kompanya ay pinagmulta din ng nangangasiwa dito na CySEC.

READ  Sampung Pangunahing Pagsasanay sa Pangangalakal ng Binary Options

Kung kaya sa pagpili ng isang binary options broker kailangan mo munang isaalang-alang ang iyong tahanang bansa at mga lokal na batas na nangangasiwa sa pangangalakal ng binary options. Ilang bansa ang aktuwal na nagbawal sa binary options. Kinakailangan din na isaalang-alang mo kung ang broker ay lisensyado at pinangangasiwaan ng mga awtoridad sa pananalapi sa loob ng iyong bansa. Tinitiyak ng regulasyon na ang iyong pondo ay insured at sa gayon ay pinoprotektahan ka laban sa pamumuhunan ng iyong pera sa mga negosyong scam.

Paghahambing sa pangangalakal ng binary options sa US at sa iba pang bansa

pangangalakal ng binary options sa usa

Ang pangangalakal ng binary options sa US ay mahigpit na pinangangasiwaan. Ang mga broker na pinapayagang mag-alok ng binary options sa mga mamamayan ng US ay dapat na lisensyado at pinangangasiwaan ng alinman sa Securities and Exchange Commission (SEC) o Commodities Futures Trading Commission (CFTC). Iilang broker lamang mula sa labas ng US ang nag-aalok ng kanilang serbisyo sa mga Amerikanong mamamayan.

Ang pangangalakal ng binary options sa labas ng US ay mahigpit ding pinangangasiwaan. Gayunpaman, mayroon pa ring mga broker na nag-aalok ng kanilang serbisyo ng walang lisensya o hindi ganap na pinangangasiwaan. Ang ilan sa mga kilalang nangangasiwang lupon ay ang Cyprus Securities and Exchange Commission (CySEC) at, Australian Securities and Investment Commission (ASIC). Ang mga bansa tulad ng Israel at Canada ay ipinagbabawal ang pangangalakal ng binary options.

Sa US, ang binary options ay karaniwang inaalok ng mga palitan. Ang mga ito ay nagbibigay lamang ng isang platform kung saan ang gustong bumili at magbenta ay nagkikita sa mga kalakalan ng opsyon. Ang mga palitan ay kumikita ng pera sa pamamagitan ng pagsingil ng maliit na halaga sa bawat kalakalang ipinapasok. Isa sa mga sikat na palitan na tumatakbo sa US ay Nadex. Ito ay kinokontrol ng CFTC.

Sa labas ng US, ang binary options ay karaniwang inaalok ng indibiduwal na broker. Ang mga broker ay kumikita sa pamamagitan ng pagkalkula ng porsiyento ng pagkakaiba sa pagitan ng kung ano ang kanilang ibinabayad sa mga nanalong pangangalakal at kung ano ang kanilang ibabawas sa pagkatalo ng pangangalakal. Ang ilang broker ay naniningil din ng bayad at komisyon sa mga pangangalakal at account ng indibiduwal na mangangalakal.

Ang presyo ng binary options para sa parehong broker at palitan sa lahat ng rehiyon sa mundo ay naka-quote sa pagitan ng 1 at 100. Ang presyo na ito ay nagbabago sa buong panahon ng kalakalan. Ang pagbabago-bago ng presyo ay ang dahilan kung paano nagiging posibleng kumita o malugi sa isang kalakalan.

Lagi ding malalaman ng mga mangangalakal ang potensyal na kita o lugi ng bawat kalakalan saan mang broker sila mamuhunan. Ang tubo at lugi ay may limitasyon na $100 at ng ipinuhunang halaga.

Maraming palitan at broker mula sa lahat ng dako ng mundo ang nag-aalok din ng espesyal na kagamitan upang mapababa ng mga mangangalakal ang kanilang pagkalugi o pagsara ng kita. Kabilang dito ang pagtigil at kakayahang lumabas sa isang kalakalan bago ang oras ng pagtatapos. Sa ilang pagkakataon, maaaring maningil ng maliit na bayad ang broker para sa paglabas ng pangangalakal bago matapos ang oras.

Mga kapakinabangan sa kalakalan ng binary optionskonklusyon sa pangangalakal sa binary options

Ang isa sa pangunahing kalamangan ng pangangalakal sa binary options ay malalaman mo ang potensyal na kumita o matalo. Ang bawat kalakalan ay karaniwang may dalawang potensyal na kalalabasan. Kung ang pangangalakal ay matagumpay, kikita ka ng isang hindi nababagong kita. Kung ang pangangalakal ay hindi matagumpay, mawawala ang iyong puhunan. Pinapadali nitong matukoy ang mga kalakal kung saan ang kita ay potensyal na mas mataas kaysa sa pagkatalo.

Ang isa pang kapakinabangan ay maraming broker ang hindi maniningil ng anumang komisyon o bayad sa pangangalakal na ipinapasok. Dahil dito mapananatili mo ang mas maraming kita hangga’t maaari. Gayunpaman, iba-iba ang mga broker kaya mahalaga na pumili ka ng broker na hindi naniningil ng bayad o komisyon sa iyong pangangalakal. Ang ilang broker ay binabayaran pa ang mga bayad sa transaksyon na maaaring singilin sa iyo ng nagpoproseso ng bayad kapag ikaw ay nagdedeposito o nagwi-withdraw ng pondo mula sa iyong account.

READ  Terminolohiya ng mga binary option

Ang pangangalakal sa binary options ay medyo madali din. Ang kailangan mo lamang gawin ay pag-aralan ang isang partikular na paggalaw ng presyo ng pinansyal na instrumento at isipin kung ang presyo ay tataas o bababa sa isang tiyak na tagal ng panahon.

Bilang mangangalakal ng binary options, maaari kang mamuhunan ng kasing liit ng $1 sa isang pangangalakal na sangkot ang isang instrumento na nagkakahalaga ng higit pa kaysa sa halagang ito. Walang mga alalahanin sa liquidity dahil hindi mo aktuwal na pagmamay-ari ang pinagbabatayang asset.

Maraming broker ng binary options ang nag-aalok ng isang malawak na saklaw ng kapaki-pakinabang na gamit at tampok na nagpapadaling masubaybayan ang mga pinansiyal na merkado, pamamahala sa iyong account at sa pagsubok ng iba’t ibang estratehiya sa pangangalakal. Ito ay karaniwang walang karagdagang gastos at magagamit sa kanilang platform.

Sa wakas, ang pangangalakal sa binary options ay nagbibigay sa iyo ng access sa iba’t ibang klase ng asset na magagamit sa mga pinansiyal na merkado sa buong mundo. Hangga’t mayroon kang access sa iyong account ng pangangalakal, maa-access mo ang anumang bukas na merkado.

Mga kapinsalaan sa pangangalakal ng binary options

Isa sa mga pangunahing kapinsalaan sa pangangalakal sa binary options ay ang isang pagkatalo ay maaaring mangailangan ng maraming panalo sa pangangalakal upang makabawi. Maaaring maubos ng lubos ang iyong buong account sa pangangalakal sa ilang pagkatalo. Samakatuwid mahalaga na gumamit ka ng isang napatunayan nang estratehiya sa kalakalan at maingat na pag-aralan ang paggalaw ng presyo ng isang tiyak na instrumento bago pumasok sa isang kalakalan. Ang madaling paraan upang subukan ang iyong estratehiya sa pangangalakal ay ang paggamit ng demo account kung saan hindi mo kailangang ipagsapalaran ang iyong sariling pera.

Maraming broker na tumatakbo sa labas ng US ang hindi pinangangasiwaan. Ang pamumuhunan ng iyong pera sa ganitong mga broker ay hindi ginagarantiya na ang iyong pera ay insured. Palagi naming ipinapayo na maingat na magsaliksik ng broker bago magbukas ng account sa kanila.

Konklusyon

Ang pangangalakal sa binary options ay isang madaling paraan upang kumita ng hindi nababagong kita sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran sa paggalaw ng presyo sa isang pinansiyal na instrumento. Ito ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang simulan ang pangangalakal sa mga pinansyal na instrumento ng hindi kinakailangang mamuhunan ng malaking halaga. Maraming broker at palitan ang maaaring pagpilian mula sa US at sa ibang bansa. Ang mga nangangasiwa sa buong mundo ay nagsisikap na kontrolin ang mga mangangalakal mula sa mga scam na broker sa pamamagitan ng paglilisensya at pagbabantay sa mga lehitimong broker. Gayunpaman, ang bilang ng mga hindi pinangangasiwaang broker na tumatakbo sa labas ng US ay nananatiling mataas.

Ang pangangalakal sa binary options ay may ilang pakinabang na kinabibilangan ng pangangailangan ng mababang kapital upang magsimula at, madaling access sa pinansyal na merkado sa buong mundo. Tulad ng anumang iba pang merkado na sangkot ang pangangalakal ng pinansyal na instrumento, ang pangangalakal sa binary options ay may sangkot na ilang panganib. Ang isang pagkatalo ay maaaring mangailangan ng maraming panalo sa pangangalakal upang makabawi. Gayunpaman, maraming mangangalakal ang kumikita ng pera sa merkado na ito sa pamamagitan ng paggamit ng ilan ng napatunayang estratehiya sa kalakalan at paggamit ng mga gamit na ibinigay ng broker.

Kung gusto mong magsimula sa pangangalakal ng binary options, mahalaga na magkaroon ka ng mabuting pag-unawa tungkol sa kung paano gumagana ang pinansyal na merkato at maglaan ng panahon upang humanap ng marangal na broker.

Click here to get this post in PDF