Isa sa mga bagong pasok sa industriya ng mga online digital options brokers ang Expert Option. Tinatag noong 2015, nakarehistro ang kumpanyang ito sa Saint Vincent at sa Grenadines. Makikita ang himpilan nila sa Griffith Corporate Center Suite 305. Nakalisensiya ang digital options broker na ito sa certificate number 0395 AA Vv0084 sa ilalim ng Financial Market Regulations Center (FMRRC) ng Russia. Sumusunod rin sila sa alituntunin ng Vanuati Financial Services Commission (VFSC). Ngunit, sa aming pagsasaliksik sa VSFC na website, wala kaming mahanap na kumpirmasyon kung nangangasiwa nga sila sa Expert Option.expert option

Ginawa ang platform na ito upang mapadali para sa mga mangangalakal sa iba’t ibang panig ng mundo na magamit ang options. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay pinapayagan nito ang paggamit ng platform na ito sa mga mangangalakal sa lahat ng mga bansa. Dahil sa pagbabawal ng ilang mga bansa, ang Expert Option ay hindi pwedeng gamitin sa mga taga-USA, Canada, Israel, Japan, Australia at iba pang mga bansa.

Kung kailangan mo ng impormasyon mula sa kanilang customer support team, pwede mo silang tawagan sa mga sumusunod na numero:

– +44 20 3868 3160 para sa mga nagsasalita ng Ingles

– 000 800 443 0002 para sa mga nagsasalita ng Hindi

– +66 6000 35 407 para sa mga nagsasalita ng Thai

Pwede ka ring magpadala ng email o kumontak sa isang customer support member gamit ang online chat.

Paano ba mangalakal sa Expert Option
Isa bang legal na digital options broker ang Expert Option?

Walang masyadong impormasyon na makakalap tungkol sa Expert Option dahil bago pa lang itong onine options broker na ito. Pero sinikap namin na makakolekta ng impormasyon sa iba’t ibang online na maaaring pagmulan gaya ng mga forums, mga social media at iba’t ibang mga websites. Isa sa mga nagtuturo sa legalidad ng Expert Option ay ang pagiging bukas nila sa tao. Malinaw nilang binibigay ang impormasyon sa pag-kontak sa kanila. Ang ibang mga broker ay nagbibigay lang ng email address, pero mas lalo naman nilang pinapahirapan ang mga gustong kumontak sa kanilang customer support staff. Sumusunod rin ang broker na ito sa mga alituntunin ng FMRRC at VFSC. Bagamat hindi gaano kakilala ang dalawang broker na ito, kumpara sa CySEC at ASIC, mas maganda pa rin ang broker na may sinusundan na alituntunin kaysa sa broker na walang sinusundan. Nakabase rin ang sinusundang alituntunin ng broker na ito sa kanilang pangunahing market. Base sa listahan ng mga bansang di nakakagamit sa kanila, makikitang ang Expert Option ay naghahanap ng mga mangangalakal mula sa Russia at ibang mga bansa sa Asya. Makikita rin na ito ang kanilang pangunahing market dahil ang kanilang platform ay pwedeng makita gamit ang .ru at .com na domain address. Ang Expert Option ay may higit na 7 milyon na rehistradong mga accounts. Ito ay isang patunay na malaki ang interes na kanilang nakukuha sa mga mangangalakal mula sa 150 na mga bansa. Isang reklamo na madalas namin nakukuha sa maraming mga forums ay ang kanilang sistema sa bonus. Sa bawat nabubuksang bagong account sa broker, nagkakaroon ka ng pagkakataong kumita ng bonus na hanggang 125%. Bagamat maraming mga mangangalakal ang masisiyahan sa bonus na ito, nagkakaproblema naman dahil naka-lock na ang bonus na ito sa iyong deposito. Hindi mo tuloy mawiwithdraw ang bonus na ito hangga’t di mo naaabot ang nakatakdang volume ng turnover.expert option review

Bakit lumalantad ang ExpertOption?

Gaya ng maraming mga online brokers, nakaloob sa demo account ng Expert Option ang $10000 na virtual na pera. Pwede mong subukan ang platform gamit ito at hindi gumagamit ng totoong pera. Mayroon rin silang pwedeng pagpilian na klase ng account. Bawat isang account ay may minimum na pwedeng ideposito, bonus at karagdagang mga serbisyo. Mas mapaguusapan ang mga ito sa pagsasaliksik na ito. Isa pang magandang serbisyo dito ay pwedeng mamuhunan ng kasing liit lang ng $1 kada pangangalakal at pwede kang magwithdraw sa kasing liit lang ng $10.

Ano ang mga pangunahing kawalan sa paggamit ng platform na ito?

Hindi kilala ang mga kinatawang naglisensiya sa broker na ito. At kapag nakuha mo na ang iyong bonus trading amount, kailangan mo pang makamit ang tiyak na turnaround sa pangangalakal para maka-withdraw sa iyong kita.

Dapat ka bang magbukas ng trading account sa ExpertOption?


Nagaalok ang ExpertOption ng libreng demo account na may kasamang $10000. Mas maganda kung magbukas ka muna ng ganitong account bago mamuhunan ng totoong pera kung bago ka pa lang sa pangangalakal ng digital options. Sa ganitong paraan, matututunan at makakasanayan mo ang pangangalakal sa platform na ito.

Madali lang magbukas ng totoong trading account. Ang disenyo ng Expert Option na platform ay simple at madaling gamitin.

Para magsimula, pumili ka muna sa 5 klase ng account. Ito ang maikling paglalarawan ng klase ng serbisyo ng bawat account:

Klase ng Expert Option na account

Basic Account

Ang pinakamaliit na halaga na pwede mong gamitin para magbukas ng ganitong account ay $50. Kaunti lang ang serbisyong inaalok ng account na ito. Pwede kang magbukas ng hanggang 10 pangangalakal ng sabay-sabay at hanggang $25 na ipuhunan bawat kalakal.

Silver Account

Kelangan mo ng hanggang $500 ang liit para magbukas ng silver account. Ang mga serbisyo na pwedeng gamitin dito ay ang personal na namamahala, pangaraw-araw na pagsusuri sa market at pinansiyal na pagsasaliksik. Ang pinakamahigit na pwede mong puhunan sa bawat pangangalakal ay $250 at pwede kang magbukas ng hanggang 15 na pangangalakal ng sabay sabay.

Gold account

Kasama sa gold account ang lahat ng serbisyong makukuha mo sa silver account. Ngunit kailangan mo ng kahit $2500 ang liit para magbukas ng gold account. Kasama sa ibang mga serbisyo ng gold account ay ang hanggang 2% na dagdag kita sa asset, ang kakayahang magbukas ng hanggang 30 na pangangalakal ng sabay sabay, at karapatang manguna sa pagwithdraw ng pondo.

Platinum account

Kailangan ng kahit $5000 ang liit para makapagdeposito sa platinum account. Bukod sa mga serbisyo na kasama sa gold account, makakakuha ka rin ng personal na mamamahala ng iyong account at hanggang 4% na dagdag na kita sa iyong asset. Ang pinakamahigit na pwede mong puhunan sa bawat pangangalakal ay $2000 at pwede kang pumasok sa kahit gaano karaming pangangalakal sa kahit na anong oras.

Eksklusibong account

Pwede ka lang makakuha ng account na ito kung bigyan ka ng imbitasyon. Bukod sa mga serbisyong makukuha mo sa platinum account, pwede ka ring mamuhunan ng hanggang $5000 sa bawat pangangalakal at kumita ng hanggang 6% sa bawat pangangalakal.

Pagpopondo sa iyong Expert Option Account at mga withdrawals.

Tumatanggap ng 20 na iba’t ibang paraan ng pagbayad ang Expert Option. Kasama dito ang credit/debit card, Webmoney, Neteller, bank transfer at Skrill. expert option trading

Kapag kumita ka na sa pangangalakal, pwede ka ng magwithdraw sa isa sa mga tinatanggap ng mga paraan ng pagbayad.
expert option reviews
Ang mga withdrawal requests ay pinoproseso sa loob ng 2 araw. Subalit, posibleng mas lalong tumagal para makita ang pondong iyon sa iyong account. Bukod dito, mas mapapabilis ang proseso ng withdrawal ng mga may hawak ng gold, platinum at eksklusibong account dahil mayroon silang kakayahang manguna.

Pagpasok sa iyong Expert Option trading account

Pwedeng makita ang Expert Option na platform gamit ang web browser, desktop app o isang smartphone app. Sariling likha ang trading software na ginagamit ng platform na ito. Hindi ito katulad ng maraming mga matagal na na naitatag na platform na madaling magamit kasama ang third party na software gaya ng MT4 at MT4.

Payo namin na mas gamitin ang mga trading apps kaysa sa web browser, lalo na kung gumagamit ka ng totoong account. Nakita kasi namin na mas madaling magresponde ang mga apps base sa device na iyong ginagamit.

Kasama sa iyong trader account ang maraming namumukod tanging mga serbisyo katulad ng 4 na klase ng mga charts at 8 klase ng mga indicator. Kung marami ang binuksan mong kalakal sa isang panahon, pwede mong hatiin ang trading charts para mas madali mong masubaybayan ang bawat pangangalakal.

Isa pang natatanging serbisyo na pwede mong gamitin sa iyong trader account ay ang social trading. Pwede mo ditong makita nang malinaw ang pangangalakal ng ibang mga mangangalakal. Pwede ka rin ditong makipagkalakal sa iyong mga kaibigan. Makakatulong ito kung bago ka pa lang sa pangangalakal at gusto mong matuto sa mga propesyonal.

Anong klase ng mga asset ang pwede mong gamitin sa ExpertOption?

Nagaalok ang online digital options broker na ito ng 100 na klase ng asset. Kasama dito ang mga pares ng currency, mga commodities, mga stocks at mga cryptocurrencies. Marahil expert option app
maliliitan ang mga seryosong mangangangalakal sa listahang ito. Ngunit, mas mapapadali para sa mga bagong mangangalakal na sumubaybay at magkalakal sa piling mga assets.

Malawak rin ang listahan nila ng mga cryptocurrencies. Para sa ibang mga brokers, Bitcoin at Ethereum lang ang mas gusto nilang ialok. Pero alok ng Expert Option ang 10 na klase ng cryptocurrencies kasama ang mga madalang na makitang pares gaya ng BTC/INR (Bitcoin/Indian Rupee). Bukod sa mga cryptocurrencies na ito, nagbibigay rin ang Expert Option ng hanggang 96% na kita sa bawat matagumpay na pangangalakal. TAKDA: Base sa aming pagsasaliksik, marami kaming narinig na mga reklamo mula sa mga mangangalakal ukol sa porsyento ng pwede mong kitain sa mga napanalunan mong mga pangangalakal. Marami ang nagrereklamo, na ang porsyento ng kita ay kadalasang bumabagsak kapag mas madalas nananalo sa pangangalakal. Nakita namin habang pinagaaralan namin ang ExpertOption FAQs na depende ang kita ng bawat kalakal sa kasalukuyang sitwasyon sa market. Asahan mo na dapat na may mga panahon na taas-baba ang kita sa bawat kalakal.

Nagkaroon na ba ng malaking babala tungkol sa ExpertOption?

Wala kaming inasahang malaking babala na ipapamahayag ng ASIC at CySEC tungkol sa Expert Option dahil hindi naman ito lisensyado sa maraming bansa sa Europa, sa Australia, sa USA at Canada. Wala kaming narinig na babala, multa o reklamo mula sa VFSC at FMRRC. Ngunit hindi ibig sabihin na pwede nang balewalain ang mga reklamo ng mga mangangalakal tungkol sa sistema ng bonus at pataas-baba na kita. Alalahanin niyo muna ang dalawang problema na ito bago kayo magpasyang mamuhunan sa broker na ito. Ang paraan namin sa pagsuri sa Expert Option base sa partikular na serbisyo Imbes na magbigay kami ng pangkalahatang pagsusuri sa broker na ito, pinili naming suriin siya base sa bawat isa niyang serbisyo. Mas madali naming nakukumpara ang Expert Option sa ibang mga sikat na broker na aming sinuri. expert option demo
Pagkakagawa ng platform at ang dali ng paggamit

Sa pangkalahatan, ginawa ang platform ng Expert Option na simple at madaling gamitin. Madali ring subukan ang platform gamit ang demo account na may $10000 virtual na pera na di namumuhunan ng totoong pera. Ang isa pang katangian na madalas di napupuna nga mga mangangalakal ay ang kadalian nito sa pagpasok. Nagustuhan namin na pwede kang pumasok sa platform ng Expert Option gamit ang iba’t ibang mga devices at sa 12 na klase ng wika.

Ang problema dito ay ang kakulangan ng mga apps ng detalyadong mga user tutorials.

Mga gamit pamuhunan na pwedeng gamitin at ang pagtatapos ng pangangalakal

Mayroong 100 na klase ng gamit pamuhunan na pwede mong pagpilian. Kaunti lang ito kumpara sa ibang mga broker na nagaalok ng 1000 na asset na pwedeng ikalakal. Ngunit, malawak ang kanilang koleksyon ng mga cryptocurrencies at di karaniwang mga pares na gamit pamuhunan.

Ang pinakamatagal na pwede mong hawakan ang isang posisyon sa kalakal ay 15 minuto. Ang pinakamaikling pwedeng tagal ng isang pangangalakal ay 60 segundo. Pabor ito sa pangaraw-araw na mangangalakal kumpara sa mga humahawak ng mga posisyon sa loob ng maraming araw o mga linggo. Mga Komisyon at ang epektibong kita

Ayon sa Expert Option, hindi daw sila humihingi ng komisyon sa mga transaksyon. Subalit, babawasan nila ng 10% ang halaga ng iyong withdrawal kung katumbas o higit pa sa deposito mo ang iyong mga pangangalakal.

Malaki rin daw ang posibilidad na kumita ka ng hanggang 95% sa iyong pinuhunan kapag matagumpay ang iyong pangangalakal. Subalit, madaling magbago ang halagang ito depende sa mga kondisyon ng market.

Customer support

Nagbibigay ng 3 contact number ang ExpertOption para sa kanilang mga kliyente mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Bukod dito, pwede mo rin silang kausapin gamit ang email o ang live chat.

 

Mga deposito, mga bonus at mga withdrawals.
expertoption apk

Pwede kang pumili sa 20 na klase ng paraan ng pagbayad para magpondo o magwithdraw sa iyong trading account. Dahil sa lawak ng iyong pagpipilian sa pagbayad, mas madali kang makahanap ng madali mong magagamit. Nakakaakit ang mga bagong account ng mga bonus na mula 50% hanggang 125% ng dineposito. Pwede mong tanggihan ang bonus kung hindi ka pa nakakapagsimula sa pagkalakal. Ang isang magiging problema kapag tinanggap mo ang bonus ay ang pag-lock sa iyong dineposito. Makukuha mo lang ang iyong deposito, kita at bonus kung makamit no ang ang nakatakdang trading threshold. Pwede kang magwithdraw sa Expert Option na kasing liit ng $10. Bawat withdrawal request ay prinoproseso sa loob ng 2 araw. Subalit, ang bilis ng pagproseso nito ay depende rin sa account na hawak mo. Para sa mga may hawak ng gold, platinum, at eksklusibong account, mayroon silang kakayahang manguna upang mas mabilis ang proseso ng kanilang pagwithdraw.

Mga Klase ng Account

May apat na klase ng account na pwedeng pagpilian at isang eksklusibong account na pwede mong makuha kung mayroon kang imbitasyon. Bawat account ay may minimum na pwedeng ideposito at mga alok na serbisyo.

expert option scam

Pagtatapos

Baguhan pa rin ang Expert Option sa industriya ng online digital options. Di katulad ng maraming mga brokers na ang pangunahing mangangalakal ay galing sa Europa at Australia, mas binibigyan ng pansin ng Expert Option ang market na sumasaklaw sa Asya, ilang parte ng Europa at Timog at Gitnang Amerika. Sa kaunting taon lang, umabot na sila sa laki ng higit 70 na milyong rehistradong mga accounts. Nagaalok ito ng mga serbisyong karaniwan mong makikita sa ibang mga matagal nang nakatatag na platform. Ngunit pinipilit nilang mamukod-tangi sa kanilang 95% na epektibong kita, malawak na listahan ng mga cryptocurrencies at 5 klase ng mga accounts. Kung iisipin, ang pinakanirereklamo ng mga mangangalakal ay ang problema sa pagkuha ng epektibong kita. Sa kabuuan, maaari mong tingnan ang Expert Option kung hindi ka nababahala sa madalas na pagtaas-baba sa kita mula sa napanalong pangangalakal. Sa kabilang dako, kung mas gusto mo ang madaling mahulaan na pangangalakal at broker na sumusunod sa maraming alituntunin, mas mabuting pumili ka sa isa sa mga broker na pinapangasiwaan ng CySEC o ng ASIC sa ngayon.

expert option

Click here to get this post in PDF