Sino Kami?investingstockonline.com logo

Ang Investingstockonline.com ay isang platform ng pagsusuri sa brokerage na nag-aalok ng mapakikinabangang impormasyon at mga pagsusuri sa lahat ng klase ng broker sa internet. Nagbibigay din kami ng mahahalaga at napapanahong impormasyon sa binary options, crypto-currencies, CFDs, futures, stocks at marami pang iba. Ito ang layunin namin nang kami ay nagsimula at ito ay mananatiling layunin namin sa nakikinitang hinaharap.

Ang Investingstockonline.com ay pinapatakbo ng pinansyal na industriya ng mga beterano na mayroong malawak at nauugnay na karanasan sa industriya. Kami ay orihinal na nagsimula bilang espesyalista sa binary options, ngunit pinalago namin ang aming operasyon simula noon upang isama ang iba pang pinansyal na instrumento. Ngayon, ang aming site ay nag-aalom ng impormasyon sa lahat ng uri ng mga broker, gayundin ang mapakikinabangang impormasyon sa pangangalakal.

Nag-aalok kami ng mga artikulo at mga ulat sa mga istratehiya ng pangangalakal, mga signal sa buy at sell, software sa pangangalakal gayundin ang pinakabagong balita at update sa pananalapi. Itinutuon din namin ang aming trabaho at atensyon sa mga bagay na pinakamahalaga sa aming mga kliyente, katulad ng kanilang mga portfolio. Sa ganitong paraan, umaasa kami na makapagbibigay sa aming mambabasa ng suporta na kanilang kailangan upang manalo sa mga pangangalakal at pamumuhunan.

Pagtupad sa Aming Misyon

Ang aming misyon ay ang maging nangungunang pinagmumulan ng impormasyon sa lahat ng uri ng broker sa internet at higit pa. Tinutupad namin ang misyon na ito sa pagtalakay sa bawat brokerage platform na nahahanap namin sa internet, sa parehong lokal at internasyonal.

Bilang karagdagan sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa lahat ng uri ng broker, nagbibigay din kami ng impormasyon sa ibang aspeto ng pangangalakal at pamumuhunan. Tinatalakay namin ang pamamahala sa panganib, mga signal sa buy at sell, mga sistema sa pangangalakal at marami pang iba. Ginagamit namin ang impormasyong ito upang masuri ng mas mabuti ang iba’t ibang broker, at makapagbigay sa aming mga kliyente ng mahahalagang impormasyon.

Malugod Kaming Tumatanggap ng Komento

Malugod kaming tumatanggap ng anumang komento na maaaring mayroon ka para sa amin. Hindi lamang nakakatulong na makalikha ng mas magandang nilalaman ang iyong komento at pagsusuri sa amin, nasusuportahan din namin ang iba pang kliyente sa kanilang pangangalakal.

Dahil sa komento ng kustomer nakakakalap din kami ng iba’t iba at magkakasalungat na oopinyon tungkol sa iba’t ibang broker, at tinuturing namin ang ganitong impormasyon na napakahalaga sa aming trabaho. Kaya kung nais mong ibigay ang iyong saloobin, mangyaring huwag kang mag-atubiling ibahagi ito.

Edukasyon sa Pangangalakal

Bagaman ang investingstockonline.com ay itinayo upang suriin ang iba’t ibang broker, nais din naming magbigay sa aming mambabasa ng libre at mahahalagang edukasyon sa pangangalakal. Ang aming site ay puno ng impormasyon sa teknikal na pagsusuri, pangunahing pagsusuri, pamamahala sa panganib, pangangalakal ng stock, pangangalakal ng crypto, pangangalakal ng binary options at marami pang iba. Pinagsama-sama namin ang mga impormasyong ito upang tulungan kang lumikha ng estratehiya sa pangangalakal na naaangkop sa iyong pangangailangan.

Tapat na Pagsusuri

Pagsusuri ang isa sa aming pangunahing pinagtutuunan dito sa investingstockonline.com. Tinitingnan namin ang bawat brokerage website at sinusubukan ito. Tinitingnan namin ang mga serbisyo, bilis, mga pagkukulang at benepisyo ng bawat site, pagkatapos ay ikinukumpara namin ito sa ibang broker upang makapagbigay ng mapakikinabangan at paghahambing na pagsusuri sa lahat ng aming kliyente. Kung kaya kung naghahanap ka ng mahusay na broker, tingnan ang aming pagsusuri at tingnan kung may mahahanap kang anumang magugustuhan mo.

Nais Namin na Ikaw ay Magpabalik-balik

Ang pangangalakal ay isang tuluy-tuloy na proseso, na dahilan kung bakit lagi naming ina-update ang nilalaman ng aming site. Ang aming pangkat ay laging naghahanap ng mga bagong broker, at lagi kaming nakasunod sa mga balita sa pananalapi. Kung kaya kung kailangan mo ng isang platform na palagi mong mapagkakatiwalaan, anuman ang sentimyento nito sa merkado, sumali sa investingstockonline.com at hayaan mo kaming tumulong upang manalo ka sa mga pangangalakal.

 


Lokasyon ng Kompanya:

investingstockonline.com

Sertipiko: 205042
Incorporated: 13/06/2018
Nakarehistrong Opisina: 103 Sham Peng Tong Plaza, Victoria, Mahe, Seychelles
Nakarehistrong Lokasyon: 103 Sham Peng Tong Plaza, Victoria, Mahe, Seychelles

Email: info@investingstockonline.com
Tel: +31622295485


May-akda: Bart Bregman

profile picture Bart Bregman

 

Kumusta, ang pangalan ko ay Bart Bregman, ako ay 27 taong gulang at nagmula sa Netherlands.

Facebook: https://www.facebook.com/bart.bregman.1

Linkedin: https://www.linkedin.com/in/bart-bregman-038556113/

Email: info@investingstockonline.com

Tel: +31 6 22295485

Kaarawan: Oktubre 23, 1991

Propesyon: Mangangalakal sa Araw, Blogger para sa investingstockonline.com

Bio: Ang aking Pangangalakal at trabaho para sa website na ito ay parehong online. Dahil dito ako ay naging digital Nomad at naglalakbay sa buong mundo.

Nagsimula ang aking karera sa pangangalakal noong 2014 at naging fulltime noong 2016. Sa paglipas ng taon ako ay nangalakal ng Stocks, Forex, Digital option, Binary option, CFD, at Cryptocurrency. Gusto ko ang pangangalakal, palaging mayroong dapat pagbutihin sa iyong galing.

Sa kabilang banda, ang Pangangalakal ay maaaring maging laro ng paghihintay kung kaya tumutulong ako sa Investingstockonline.com sa aking libreng oras upang magtatag ng Pinakapinagkakatiwalaan at pinakamahusay na website sa pagsusuri ng mga broker sa industriya.

 

Trade setup netherlands

 

Narito ang larawan na nagpapakita ng setup ng aking pangangalakal sa Netherlands, gayunpaman, sa pagbibiyahe sa daan palagi akong gumagamit ng 2 laptop at isang Samsung tablet.

 

Ang aking Pinakamahusay na pangangalakal noong 2017: IKA-3 HULYO – USD/JPY +$4131 na Kita 🙂


May-akda: Niels Hammer

Facebook: https://www.facebook.com/theNielsHammer

Email: info@investingstockonline.com

Tel: +31 6 132**** Mangyaring makipag-ugnayan sa Email

Propesyon: mamumuhunan, Webmaster/blogger para sa investingstockonline.com

Bio: Ilang taon na ang nakalipas nakahanap ako ng isang youtube video tungkol sa binary options at nahikayat ako.
Ang kasimplehan ng ganitong uri ng pangangalakal ay isang bagay na nakahikayat talaga sa akin.
Ngunit lumabas na ang pagkita ng pera ay medyo mas mahirap kaysa sa inaasahan.
Tinanong ko ang aking kaibigang si Bart para sa ilang payo sa pangangalakal at pagkatapos nito “Hindi ko maalala kung paano eksaktong”
nag-usap kami sa paglulunsad ng isang website.
Sa pagsasama ng kaalaman sa pangangalakal ni Bart at sa aking online marketing background.
Maraming nangyari pagkatapos noon.
Ang Binary Options ay isang bagay sa nakaraan at ang aming website ay awtoridad na ngayon sa industriya.
Ngunit isang bagay lamang ang hindi magbabago. .. Ang mga manlolokong kompanya na sinusubukang lokohin ka at nakawin ang iyong pera.
Ang pangangalakal ay delikado na. Kung kaya nakatuon ako sa pagtatrabaho sa investingstockonline.com araw at gabi
upang manatili kang updated tungkol sa industriya ng pangangalakal. Pinipili lamang ang pinakamahusay na broker na mapagpipilian.
Ilang personal na detalye. Ako ay 36 na taong gulang at ang bayan na aking pinagmulan ay Alkmaar sa Netherlands.
Mahilig akong maglakbay, makipagkilala sa mga bagong tao at tumuklas ng mga bagong lugar.